诗篇 61
领我到那比我高的磐石
O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin. 2Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin. 3Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
4Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah 5Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan. 6Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
7Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman; 8Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.
已复制!
Aa