시편 127

여호와께서 집을 세우지 아니하시면

Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito. 2Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog. 3Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.

4Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan. 5Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.

복사됨!
Aa